Russian GM naman ang susubukan ni So
KHANTY-Mansiysk, Russia--Matapos talunin ang tatlong Russian heavyweights sa kanyang mainit na kampanya para sa 2009 World Chess Cup, mu-ling ipagpapatuloy ni GM Wesley So ang kanyang pagsulat ng kasaysayan sa chess sa pagsagupa naman kay GM Vladimir Malakhov ng Russia sa 16-player fourth round sa Khanty-Mansiysk Center of Arts ngayon dito.
Sisimulan ni So na tinagurian ng foreign media dito bilang "a fantastic gold nugget causing the World Cup irreplaceable losses with his upset victories,” ang two-game showdown laban sa 22nd-seeded na si Malakhov (ELO 2706) isa sa walong nalalabing laban na idinadaos dito upang madetermina ang challenger para sa susunod na world champion.
Nakuha ni Malakhov ang karapatan na labanan ang 59th-seeded na si So matapos niyang pisakin si GM Pavel Eljanov ng Ukraine, 4-1, kung saan tatlo sa kanyang panalo ay mula sa tiebreak rapid matches.
Nabigyan ang 16-anyos na si So ng isang araw na pahinga matapos niyang igupo ang defending champion GM na si Gata Kamsky, 1.5-.5 sa kani-lang two-game showdown nitong Sabado at inubos lamang ang lahat ng oras sa kanyang kuwarto upang paghandaan ang susunod na laban at makaiwas sa malamig na klima na minus 30.
Samantala, tuluyan ng pinagsarhan ng pinto ng top seed GM na si Boris Gelfand ng Israel ang dating women world champion na si Judit Polgar ng Hungary matapos na talunin ito, 3.5-1.5 at banderahan ang mga maagang paborito na umusad sa susunod na round.
- Latest
- Trending