^

PSN Palaro

Baste, UST dadayo sa Ormoc City

-

MANILA, Philippines - Dumayo sa ibang lugar, maghahatid ng masiklab na damdamin para sa panalo ang matutunghayan sa banggaan ng San Sebastian kontra University of San Carlos na lalo pang pag-iinitin ng sagupaan sa pagitan ng University of Santo Tomas at Jose Rizal U para sa final playdate ng Philippine Collegiate Champions League Sweet 16 finals sa Ormoc Astrodome sa Ormoc, Leyte ngayong araw.

Kinakailangang maipagtanggol ang reputasyon bilang kampeon sa NCAA, sisikapin ng SSC na maprotektahan ang grupo nito at walisin ang USC upang pormal na pumasok sa Champs League proper sa pamamagitan ng zonals.

Tangan ang sariling kakayahan, nakapwesto ang San Carlos sa third place sa CESAFI (Cebu Schools Athletic Foundation Inc.) via Bacolod zonals, sa likod ng University of Visayas at University of Cebu.

Matindi ang nakapatong na pressure, tanging ang USC na lamang ang nananatiling provincial team sa Champs League nang mapatalsik na ang UV Lancers at UC Webmasters noong Sabado.

Tatlong grupo mula sa NCAA ang matagumpay na nakasalisi upang pumasok sa Elite Eight. Kabilang dito ang San Beda, Letran at Mapua, habang mayroon pang pag-asa ang San Sebastian at JRU kung mananaig sila ngayon sa laban kontra San Carlos at University of Santo Tomas.

Sa kabilang banda, kampante na rin sa pwesto sa quarterfinals ang Far Eastern U, Ateneo at University of the East na magpapakitang gilas para sa event na handog ng PLDT, Smart, ABS-CBN, The Philippine STAR at Molten.(Sarie Nerine Francisco)

CEBU SCHOOLS ATHLETIC FOUNDATION INC

CHAMPS LEAGUE

ELITE EIGHT

FAR EASTERN U

JOSE RIZAL U

ORMOC ASTRODOME

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE SWEET

SAN CARLOS

SAN SEBASTIAN

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with