Panalo ng KL Dragons nagbigay ng solo liderato sa RP Patriots

MANILA, Philippines - Nakinabang ang Philippine Patriots sa panalo ng Kuala Lumpur Dragons kontra sa Singapore Slingers sa 1st ASEAN Basketball League (ABL) nitong weekend.

Umiskor si Filipino import Rudy Lingganay ng 21 points upang pamunuan ang Dragons sa 86-74 panalo sa Slingers sa Singapore’s Indoor Stadium.

Ang panalo ng Malaysians ay nakatulong sa RP Patriots na makuha ang solo lead, at lumakas ang kanilang tsansang maging inaugural champions ng six-nation, home-and-away tournament na nasa ikalawang buwan na.

“That’s a good development but it’s still a long way to go. We have to remain focused and healthy so we can sustain our own momentum,” sabi ni coach Louie Alas.

Show comments