Team Pilipinas dinurog ang Syria
JOHOR BAHRU, Malaysia -Sumama ang shooting, kumapit ang Nokia U-16 Team Philippines sa mahusay na depensa upang maigupo ang Syria, 71-57 at manatiling malinis sa FIBA U-16 Men’s Championship noong Linggo ng gabi sa Bandaraya Stadium dito.
Sa kanilang quarterfinal na bakbakan kung saan nanlamig si Kiefer Ravena sa hindi magandang tawagan, nangibabaw naman si Jeron Teng at ibang kakampi para masigurong nasa kontensiyon pa rin ang mga Pinoy sa torneong ito na may dalawang tiket patungo sa 2010 FIBA U-17 World Championship sa Hamburg, Germany ang nakataya.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagbuno naman ang Team Pilipinas sa Iran habang naglalaban naman ang China at Korea sa four-way battle ng walang talong koponan.
Magsisimula naman ang semifinals sa Huwebes pagkatapos ng isang araw na pahinga.
Isang third year high school student sa Xavier, humakot ng 16 puntos at 7 rebounds si Teng habang tumulong naman si San Beda standout Dan Sara sa pagpako ng 14 puntos kabilang na ang umaatikabong three-point sa final 2:47 oras ng labanan na tampok sa mainit na 23-4 late game rally ng mga batang Pinoy.
Philippines-- 71 Teng 16, Sara 14, Ravena 11, Ferrer 10, Pate 7, Pessumal 5, Romero 4, Javillonar 2, Tolomia 1, Alolino 1, Bantayan 0.
Syria-- 57 Otabachi 20, Rahal 14, Trub 9, Beirakdar 5, Sijjieh 3, Obaysi 2, Baghajati 2, Basel 2, Abfouk 0, Tarakji 0, Al Zain 0, Akksahl 0.
Quarterscores:16-16, 29-30, 45-44, 71-57.
- Latest
- Trending