Collegiate Basketball Dinner Award ngayon
MANILA, Philippines - Magtitipun-tipon ngayon ang mga pinakamahuhusay at pinakamaningning sa varsity basketball sa Kamayan EDSA sa Greenhills sa pagprisinta ng UAAP-NCAA Press Corps at Smart Sports ang 2009 Collegiate Basketball Dinner-Awards Party.
Babandera sa mahabang listahan ng mga pararangalan sina Norman Black ng Ateneo University at Ato Agustin ng San Sebastian College na gagawaran bilang Coach of the Year ng grupo ng mga manunulat na nagkokober sa dalawang pangunahing collegiate leagues sa bansa.
Ang iba pang pararangalan ay sina Dylan Ababou ng University of Santo Tomas, John Wilson ng Jose Rizal University, Rabeh Al-Hussaini ng Ateneo, Jimbo Aquino ng San Sebastian College at Sudan Daniel ng San Beda College bilang Collegiate Mythical five.
Ang taunang awards night na ito na suportado din ng Philippine Sports Commission, Accel, FilOil-Flying V at San Miguel Corporation ay ikaapat na sunod na taon ng ginaganap .
Bibigyan naman ng Lifetime Achievement award si coach Ato Badolato ng San Beda sa kanyang pagwawagi ng ika-16th NCAA juniors title sa kanyang huling season sa paaralan.
Ang iba pang pararangalan ay sina Jai Reyes at RJ Jazul (Super Senior), Paul Lee (Court General), Calvin Abueva (Energy Player), Nonoy Baclao (Mr. Intangibles), Elmer Espiritu (Defensive Player of the Year) at Aldrech Ramos (Sudden Impact). (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending