Bulls nalunod sa Lakers

LOS ANGELES--Nagposte si Pau Gasol ng 24 puntos at 13 rebounds sa kanyang season debut sa Los Angeles Lakers upang padapain ang Chicago Bulls, 108-93 sa NBA nitong Huwebes.

Nag-ambag si Kobe Bryant ng 21 puntos habang nilagpasan ang career scoring chart sa Lakers ni Kareem Abdul-Jabbar.

Sa wakas, lumaro na ang Lakers na intact ang kanilang lineup. Bahagyang nagkaroon ng trouble ang defending NBA champions sa Bulls, ng buksan nila ang 20-point lead sa third canto bago nila tinalo ang Chicago sa ikawalong pagkakataon sa kanilang siyam na paghaharap.

Nagtala si Derrick Rose ng 20 puntos at kinamada naman ni John Salmons ang lahat ng 18 puntos sa first half para sa Bulls, na natalo ng ikalawang laro mula sa kanilang anim na laro sa labas ng kanilang balwarte.

Bunga ng kanyang freethrow sa third quarter, nalam-pasan ni Bryant ang record ni Abdul-Jabbar (24,276) para sa ikalawang puwesto sa Lakers career scoring list, at naghahabol na lamang siya kay Jerry West (25,192).

Sa New Orleans, umasinta si Peja Stojakovic ng pitong triples sa 110-103 panalo ng New Orleans kontra sa Phoenix Suns.

Kapwa naman tumapos sina Devin Brown at rookie Marcus Thornton ng tig-19 puntos para sa Hornets, na nanalo ng kanilang ikalawang sunod na games sa ilalim ng bagong head coach na si Jeff Bower.

Naglista si Amare Stoudemire ng 23 puntos para sa Suns.

Sa San Antonio, umiskor si Deron Williams ng 21 puntos at tinapos ng Utah ang kanilang kabiguan sa mga kamay ng San Antonio sa bisa ng 90-83 tagumpay ng Jazz.

Show comments