MELAKA, Malaysia--Matapos na maglabas ng mahusay na performance sa 45th QubicaAMF Bowling World Cup, hindi uuwing luhaan ang four-time champion na si Paeng Nepomuceno sa bansa.
Nagmintis ang 52-anyos na kaliweteng bowler sa quarterfinals ng tatlong pins sa kabila ng pagposte nito ng mataas na 206.67 average sa 24 games, siya ay binigyan ng Sportsman Award sa idinaos na victory banquet dito nitong Huwebes ng gabi.
Ito ang unang pagkakataon sa 45-taon na nanalo ang isang Pinoy ng nasabing award. Nasorpresa naman ng todo si Nepomuceno ng tanggapin niya ang nasabing tropeo.
Napasakamay naman ni Belinda Tan ng New Zealand ang naturang karangalan para sa babae.
Ang iba pang lahok ng Philippines -- si Liza del Rosario ay tumapos ng ikaanim na puwesto sa women's division matapos na makipagbanatan mula sa 11th place sa qualifying round tungo sa head-to-head semifinal matches.
Tinanghal na mga kampeon sina Caroline Lagrange ng Canada at Choi Yong-kyu ng Korea ngayong taong edisyon ng torneo.