'Dare to be Be Fit 'N Right Challenge Fun Run
MANILA, Philippines - Limang araw na lang magaganap na ang Del Monte Fit ‘N Right’s ‘Dare to be Fit ‘n Right’ Challenge Fun Run.
Nakatakda ang event sa November 22, sa SM Mall of Asia grounds. Ang ‘Dare to Be Fit ‘N Right’ Fun Run ay isa sa paraan ng Del Monte para sa health at fitness via running, na siyang sikat na sport ngayon.
Ang mga interesadong sumali ay may tsansang manalo ng cash at special prizes mula sa Del Monte Fit ‘N Right at iba pang sponsors gaya ng SM Mall of Asia, SM Hypermart, Asianic, Fitness First, Gardenia, Lenovo, Manila Bulletin, Mitsubishi, Runners Speak, Solar Sports, Tai Chi, Takbo.ph at Taste Asia. May tatlong categories: 3K, 5K at 10K na may total prize na P300,000.
Kahit hindi kasama sa top three finishers, may tsansa pa ring manalo sa raffle ng Lenovo laptop na grand prize! May race “shoeput” na may singlet, race bib at Fit ‘N Right products ang ibibigay sa mga registrants.
Walang product purchase na kailangan ngunit may P300 na registration fee. Ang kikitain ay mapupunta sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng SM Foundation.
- Latest
- Trending