'Di pa man Pacquiao liyamado na agad kay Mayweather
MANILA, Philippines - Hindi pa man nagkakaroon ng negosasyon at wala pang katiyakan kung matutuloy ang inaabangang paghaharap nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, nagsimula na ang pustahan at sa katunayan paboritong manalo si Pacman sa mga tayaan.
Ayon sa Mlive.com, sa mga betting line ng station Casinos sa Las Vegas, 3-2 paborito si Pacquiao sa inaabangang laban ng mga kinikilalang pound-for-pound king.
Sinabi ng promoter na si Bob Arum ng Top Rank, naghihintay lamang siya ng tawag upang masimulan ang negosasyon.
Sinabi naman ni Mayweather sa Sky Sports sa England na naghihintay lang din siyang kausapin ang kanilang kampo.
Pagkatapos pabagsakin ni Pacquiao si Miguel Cotto, walang sinabi ang kampo ni Pacquiao ukol sa kanilang susunod na plano ngunit sinabi ng kanyang trainer na si Freddie Roach na ang undefeated na si Mayweather ang gusto niyang susunod na kalaban ng kanyang alaga.
Ayon kay Mayweather, anuman ang mangyari, wala siyang panalo.
"I'm in a no-win situation no matter what happens," ani Mayweather sa Sky Sports. "If I beat Manny Pacquiao, you know what they're going to say -- 'You're supposed to beat him, you're Floyd Mayweather, you're the bigger man.' And then if I outbox him, they're going to say, 'It was a boring fight.' But then if I knock him out, they're going to say, 'Well, you're supposed to knock him out. He's been knocked out before.'
"Whatever I do to Pacquiao has already been done. He's been beat before, on three occasions, and if I knock him out, I don't want the world to be shocked because he's been knocked out twice before, so it's nothing new. Where the world is going to go wild is if Floyd Mayweather gets beat. That's what everybody's looking to see."
Nagbukas ang tayaan na minus-160 si Pacquiao at si Mayweather ay plus-140 underdog.
Makalipas ang ilang araw, bumagsak ang odds kay Mayweather sa minus-135 kay Pacquiao ($135 taya, kikita ng $100) at plus-115 kay Mayweather ($100 taya kikita ng $115).
Sa mga nagdaang laban ni Mayweather siya palagi ang paborito at sa unang pagkakataon, siya ang underdog.
Kung hindi man mangyayari ang laban nina Pacquiao at Mayweather sa 2010, ibabalik ang mga taya.
- Latest
- Trending