^

PSN Palaro

Gorres nanalo, pero comatose

-

MANILA, Philippines - Nalagay sa panganib ang buhay ni Filipino super flyweight Z “The Dream” Gorres matapos ang kanyang non-title fight kahapon sa Mandalay Bay House of Blues sa Las Vegas, Nevada.

Sa ulat ng BoxingScene.com, kaagad na isinailalim ni Dr. Michael Seiff sa isang emergency surgery ang 27-anyos na si Gorres sa UMC Hospital sa Las Vegas makaraang magkaroon ng subdural hematoma.

Upang mabawasan ang pamamaga sa utak ni Gorres, nagtanggal si Seiff ng bahagi ng bungo ng tubong Nasipit, Agusan Del Norte.

Kasalukuyang inoobserbahan ang kondisyon ni Gorres at muling dadaan sa ilang pagsusuri ni Seiff.

Bago mangyari ito, tinalo muna ni Gorres si Luis Melendez ng Colombia via unanimous decision sa kanilang 10-round bout upang itaas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 30-2-2 kasama ang 15 KOs.

Napabagsak ni Melendez (26-4-1, 21 KOs) si Gorres sa dulo ng 10th round bago nailigtas ng pagtunog ng bell.

Makaraang ihayag ang kanyang panalo, nakaramdam si Gorres ng pagkahilo at tuluyan nang natumba na agad namang inilabas ng venue sa pamamagitan ng stretcher at isinugod sa UMC Hospital.

Naitakda na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang rematch ni Gorres kay World Boxing Organization (WBO) super flyweight titlist Fernando Montiel (39-2-2 (29 KOs) ng Mexico sa Pebrero 13, 2010 sa Las Vegas Hilton.

Sa iba pang laban, natalo si light welterweight Mark Jason Melligen (16-2-0, 12 KOs) kay Mexican Michael Rosales (25-3-0, 21 KOs) via split decision, habang nabigo si Federico Catubay (25-16-3, 13 KOs) kay Mexican Juan Alberto Rojas (31-5-0, 25 KOs) via unanimous decision sa kanilang super flyweight title eliminator. (Russell Cadayona)

AGUSAN DEL NORTE

BOB ARUM

DR. MICHAEL SEIFF

FEDERICO CATUBAY

FERNANDO MONTIEL

GORRES

KOS

LAS VEGAS

LAS VEGAS HILTON

LUIS MELENDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with