^

PSN Palaro

Pacquiao, ayaw pa rin paawat

-

LAS VEGAS -Hanggang sa huling araw niya sa gym, 48 oras na lamang bago ang inaasahang laban kay Miguel Cotto, ayaw pa rin paawat ni Manny Pacquiao.

Ang boxer na nag-eensayo at ayaw paawat o mag-hubad ng kanyang boxing gloves kahit na pigilan pa ito ng kanyang conditioning coach ay laging humihirit ng isa pang round.

Bago matapos ang ikaapat na round, sumuntok pa ng right hook si Pacquiao na nagpatalsik sa mitts.

“That’s it,” pahayag ni Freddie Roach, habang hinuhubad ang isa pa at inihagis sa kanyang sulok.

“I quit,” anang trainer. Pagkatapos ay ngumiti kay Pacquiao.

“Sorry, Manny I have to take them (gloves) off,” wika naman ni Alex Ariza, ang conditioning coach, habang papalapit ito sa 30 anyos na superstar.

“What?” protesta naman ni Pacquiao at tumango si Roach, hinayaan ni Ariza ito na magbalik sa ensayo.

Bumababa ng ring si Pacquiao at kasabay ng tugtugin ng awit ni Michael Jackson ay trinabaho nito ang double-end bag .

 Pagkatapos isinunod nito ang speed ball at luksong lubid bago mu-ling umakyat sa ring para mag-shadow boxing at ilang daang crunches. Dito sumenyas na uli si Roach kay Ariza na patigilin na si Pacquiao.

“You’re done, Manny. You’re done. It’s beautiful. That’s it,” ani Roach.

“It’s like you’re in a horse-race, and Manny is one of the horses. He keeps on moving and moving inside his gate, and when it opens, boom! and he’s gone,” wika naman ni Ariza,

At nang matapos, nagtimbang uli ito.

Samantala, makaraang maging cover ng TIME Magazine, mainit na kandidato naman si Pacquiao para sa Sportsman of the Year award ng Sports Illustrated.

Ihahayag ng ina ng lahat ng sports magazine ang kanilang napili para sa 2009 award sa Disyembre 1 at hindi na sorpresa pa kung si Pacquiao, ang tinaguriang mukha ng boxing, ang mapipili .

Marami na siyang pinagdaanang mahihirap na laban at tinalo na rin niya ang pinakamalalakas na kalaban na naging dahilan upang mapili siya sa TIME Magazine, para maging ikalawang Pinoy na naging cover kasunod ng yumao at dating Pangulo at icon ng kalayaan, Corazon C. Aquino.

Sa November issue ng SI, may anim na pahinang tampok si Freddie Roach ang trainer at Pacquiao ang Boxer. At inilagay ni Chris Mannix ng SI ang pangalan ni Pacquiao sa listahan ng nominado. (ACordero)

ALEX ARIZA

ARIZA

CHRIS MANNIX

CORAZON C

FREDDIE ROACH

MANNY I

MICHAEL JACKSON

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with