^

PSN Palaro

Pacquiao walang katulad

-

LAS VEGAS-- Isang walang katulad na boksingero ang pinakamahusay bagamat maliit na fighter na inyong makikita na nakaupo ng may karangalan sa bus na nagdadala sa kanya sa engrandeng pagdating sa MGM Grand Casino. Marami pang pagpo-promote na gagawin si Manny Pacquiao, maraming pakikipagkamay at pagsalubong sa mga fans.

Boxing ito at lahat ng benta ay nabibilang. At matagal na itong ginagawa ni Pacquiao kaya nauunawaan niyang mas maraming taong bibili ng pay-per-view nya kay Miguel Cotto ay lalong lumalaki ang kanyang guaranteed $13M purse.

Ngunit mas nakakaramdam si Pacquiao ng kasiyahan sa kanyang ginagawa at hindi lang pera ang pinag-uusapan.

 “I’m enjoying it,” habang patungo ang bus sa Las Vegas strip. “I never thought I would be this popular in the United States.

At nang hiningan ng paliwanag sa kanyang kasikatan sinabi ni Pacquiao na “ I’m a very friendly person. I’m nice to everybody.”

Isang kabaitan sa lahat ng panahon. Sa Pilipinas, ipinagpipitagan ang kanyang tagumpay sa loob ng ring at ang kanyang generosity sa labas. Namimigay ng pera si Pacquiao at nagpapaaral ng mga bata sa pamamagitan ng scho-larships. At sa katatapos lamang na bagyo, bumili ito ng mga kahoy upang magawang kabaong bukod pa sa pamimigay ng relief goods. (AP)

vuukle comment

GRAND CASINO

ISANG

LAS VEGAS

MARAMI

MIGUEL COTTO

NAMIMIGAY

PACQUIAO

SA PILIPINAS

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with