Balewala kay Cotto kung underdog man siya
LAS VEGAS - Underdog si Migel Cotto. At wala siyang pakialam dito.
“I expected it to be like this,” wika ng malapad na katawan ng kampeon mula sa Caguas, Puerto Rico sa welcome ceremony sa MGM Grand, tatlong araw bago ang head-on collision niya kay Pinoy superstar Manny Pacquiao.
Si Cotto, na nagdiwang ng kanyang ika-29th kaarawan kamakailan, ay sinalubong nang makaalis si Pacquiao makalipas ang isang oras na bitbit ang kalahati ng tao na karamihan ay Pilipino na naghintay sa main lobby ng hotel ng maaga pa lamang.
Nang makaalis na si Pacquiao, nawala na rin ang kasiyahan ngunit ayos lang para kay Cotto. May sarili din naman siyang tagasunod na isinisigaw ang kanyang pangalan at iwinawagayway ang kanilang bandila.
At nauunawaan naman ito ni Cotto.
“Everything that Manny has, he has earned,” patungkol ni Cotto sa kasikatan ni Pacquiao huwag nang isali ang bank account ng Pinoy.
Dumating si Cotto na suot ang tracksuit at mukhang seryoso na parang sasabak na agad sa laban.
“I’m prepared for the speed of Manny. I have equal hand speed and prepared well with my sparring partners. I’m prepared for anything,” wika ni Cotto, na itataya ang kanyang WBO welterweight (147 lbs) crown sa catchweight na bawas ng dalawang libra.
Muli, binalewala lang nito ang mga ulat na ginugutom niya ang sarili para lamang makaabot sa timbang at makaiwas sa multang $1M kada sobrang libra sa 145 lbs.
“I’m eating well and I’m not worried about my weight,” pagdidiin ni Cotto sa harap ng media na pumalibot sa kanya sa isang sulok ng ring.
Nabanggit din kay Cotto na nagkagulo sa main lobby nang dumating si Pacquiao. At muli, sinabi nito na wala siyang pakialam dahil ang gabi ng laban ang magiging one-on-one na labanan.
“It’s going to be just Manny and me and the referee. There’s nobody else. And we have the key to the fight. Our camp will make the difference.”
Ang nais lang nito ay sa kanya ang huling halakhak. (Abac Cordero)
- Latest
- Trending