^

PSN Palaro

Sixers natusta sa Suns

-

PHILADELPHIA-- Umiskor ng 29 puntos si Jason Richardson habang nagdagdag naman si Steve Nash ng 21 puntos at pantayan ang kanyang season-high na may 20 assists nang igupo ng Phoenix Suns ang Philadelphia 76ers, 119-115.

Tinabunan ng Suns ang 100 point barrier para sa walong sunod na laro sa pagbubukas ng season, na hindi pa nangyari sapul noong 1990-91.

Nag-ambag naman si Jared Dudley ng 18 puntos, 17 si Amare Stoudemire, 11 kay Grant Hill at 10 kay Channing Frye para sa high-lfying Suns.

Sa San Antonio, naglista ng 36 puntos si Manu Ginobili nang wala sina Tim Duncan at Tony Parker sa lineup nang payukurin ng Spurs ang Toronto Raptors, 131-124.

Sa New York, nagtulong sina Carlos Boozer at Andrei Kirilenko ng tig-23 puntos nang ma-naig ang Utah Jazz sa Madison Square Garden sa unang pagkakataon sa nakalipas na limang taon makaraang pabagsakin ang Knicks, 95-93.

Sa Los Angeles, kumana ng 24 puntos at 10 assists si Chris Paul at umiskor naman si Devin Brown ng 25 puntos nang bumangon ang New Orleans Hornets mula sa nakakadismayang kabiguan matapos payukurin ang Los Angeles Clippers, 112-84.

Sa Oakland, nagrehistro ng season-high 31 puntos si Kelenna Azubuike at nagdagdag naman ng 23 si Anthony Randolf upang tulungan ang Golden State Warriors na igupo ang Minnesota Timberwolves, 146-105.

AMARE STOUDEMIRE

ANDREI KIRILENKO

ANTHONY RANDOLF

CARLOS BOOZER

CHANNING FRYE

CHRIS PAUL

DEVIN BROWN

GOLDEN STATE WARRIORS

GRANT HILL

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with