Piolo Pascual mangunguna sa Timex Run
MANILA, Philippines - Babanderahan ni TV/movie actor Piolo Pascual ang roster ng mga showbiz personalities na tatakbo sa Timex Run sa Linggo sa Bonifacio High Street sa Global City sa Taguig.
Ang iba pang celebrities na lalahok sa event na hatid ng pangunahing watch brand sa mundo ay sina actress KC Concepcion, singers Mark Bautista at Eric Santos, Maricar Reyes, Hyubs Azarcon, Lino Cayetano at Ricky Davao.
Kabilang sila sa 5,000 runners na sasagot sa pagputok ng starting gun sa alas-5:30 ng umaga sa malaking event na tinaguriang"Time is Running: The 2009 Timex Run with coach Rio dela Cruz and Piolo Pascual." Suportado din ito ng Robinsons Land Corp., Nature Valley Crunchy Granola Bar, 100 Plus Isotonic Sports Drink, Summit Mineral Water, Nesvita at Nike.
Ang events na tatakbuhan ay 3k, 5k, 10k at 21k races na ang tatlong pangunahing magtatapos sa male at female division ay tatanggap ng cash prizes mula sa kabuuang premyo na P60,000. Tatanggap din sila ng Timex Ironman Triathlon watches na may kasamang Timex Heart Rate Monitors at Nike running shoes.
May photo contest din na magbibigay ng P10,000 kabu-uang premyo at Timex watches na mapipili sa event na ginaganap upang maipromote ang physical fitness sa mga kabataan at pati na rin sa mga nakatatanda.
Ang pinakabata at pinakabatang magpaparehistrong runners ay tatanggap ng Timex watch at gift pack mula sa Nature Valley Crunchy Granola Bar habang ang pinaka malaking group/club/team/company delegation ay tatanggap din ng premyong limang Timex watch.
May 26 pang relo, kabilang ang Timex Heart Rate Monitor at Timex Expedition WS4, ang ipaparaffle at ipamimigay para sa online games at special awards.
- Latest
- Trending



















