^

PSN Palaro

FEU bigo sa AdU; CSB may tsansa pa

-

MANILA, Philippines - Matayog ang lipad, dinaig ng Adamson Lady Falcons ang Far Eastern University sa isang krusyal na laban para iposte ang dikit na 17-25, 26-24, 25-23, 21-25, 15-13 panalo, na ikalawang sunod nila sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan City kahapon.

 Pumagaspas para sa kanyang atake, nilusob ni Angela Benting ang kalaban upang itabla sa 13-all count, kung saan nagkaroon ng attacking error si Cherry Vivas na dumedepensa sa FEU.

Bunga nito naitakas ng Lady Falcons ang 6-10 sa fifth frame upang pagandahin ang 5-4 rekord.  

 Nananatiling nakatambay sa ikalimang posisyon ang third placer sa unang kumperensya na Adamson subalit nakahugot ng enerhiya para itulak ang malaking engkwentro kontra sa malinis pang UST sa Biyernes.

 Sa kabilang banda, taliwas sa landas ng Adamson, nahulog sa ikalawang pagkakataon ang FEU na may 6-3 baraha ngunit nakasunod pa rin sa nangu-nganung UST para sa torneong suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare.

Sa ikalawang laro, napanatili ng College of St. Benilde ang kanilang pag-asa sa semis nang sorpresahin nila ang Ateneo OraCare, 25-22, 28-26, 25-23.

Naglista ng 18 hits, hinampas ni skipper Giza Yumang ang match-clinching point habang pumalo naman sina guest player Rosann Fajardo at Katty Kwan ng 16 at 15 points,ayon sa pagkakasunod para sa Lady Blazers na inulit ang pagyurak sa ilang beses na pagbangon ng Lady Eagles sa buong 1:19 oras nilang bakbakan.

Nanatili ang St. Benilde sa ikaanim na pwesto na may 3-5 marka. (Sarie Nerine Francisco)

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ANGELA BENTING

CHERRY VIVAS

COLLEGE OF ST. BENILDE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GIZA YUMANG

KATTY KWAN

LADY BLAZERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with