Meneses, bagong coach ng JRU
MANILA, Philippines - Naglaro para sa Bombers noong 1986-1989 sa ilalim ng pa-ngangasiwa ni Kiko Calilan, inaasahan ng kolehiyo na sa mga naging kontribusyon at husay ni Meneses sa naturang larangan, maigigiya nito ang JRU patungo sa daan ng tagumpay.
Sasandal sa kanyang mga naging karanasan, pag-iigihan ni da-ting MVP Player Vergel Meneses ng paglapat ng mga epektibong taktika at estratehiya. Bagamat kinakabahan sa bagong asignaturang iniatang sa kanya, excited si Meneses sa panibagong hamon sa kanya.
Pinakilala kahapon ni Jose Rizal’s representative, Paul Supan ang napagkasunduang tatlong taon na pagiging head coach ni Meneses sa liga.
“First, we would like to thank coach Ariel (Vanguardia) for a wonderful job the past four years,” wika ni Supan. “But management decided to move on a different direction.”
Binubuo nina Ricky Alcantara, Vic Escudero, Jun Tiongco, Nat Gregorio at American conditioning coach Dan Rose ang coaching staff na hahawakan ni Meneses.
Doble kayod ang grupo upang makuha ang inaasam lalo’t mawawala na sa tropa sina James Sena, Mark Cagoco at John Agas sa hanay ng Bombers ngunit bibigyang buhay naman ng mga Light Bombers na sina reigning high school MVP Loui Vigil, Joshua Saret at John Yasa. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending