^

PSN Palaro

Timbang 'di problema ni Pacquiao

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD -- Kahit maghapon si Manny Pacquiao sa kusina at kumain nang kumain hindi magkakaproblema ito sa kanyang timbang.

Pero si Miguel Cotto? Malamang na ginugutom ang sarili para lamang maabot ang timbang na itinakda.

Si Pacquiao, na komportable sa kanyang bigat ay nagsabing kahit anumang oras mula ngayon ay maaari siyang magtimbang sa tamang 145 lbs Pacquiao,

“Puro kain ako (I keep on eating),” anang pound-for-pound champion matapos ang dalawang oras na workout sa Wild Card Gym at nang magtungo ito sa paborito niyang sweatshop sinabing tumitimbang siya ng 146 lbs.

“Ginigising nga nila ako sa umaga para kumain (They have to wake me in the morning and ask me to eat),” anang boxer na nilalasap ang paboritong pagkain na beef bulalo, ampalaya at chicken adobo na may kanin isang linggo na lang bago ang laban.

Sinabihan si Pacquiao ng kanyang conditioning coach na si Alex Ariza na panatilihin niya ang kanyang bigat kung saan ito komportable at pagda­ting ng weigh-in kailangan ay eksakto ang kanyang timbang.

“I haven’t slowed down eating,” aniya.

Sinisiguro ni Pacquiao na nahihirapan si Cotto na magpababa ng kanyang timbang dahil walang boksingero ang gusto ang ganung sitwasyon.

ALEX ARIZA

COTTO

GINIGISING

KAHIT

KANYANG

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SI PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with