P600,000 pa-premyo para sa magwawagi sa Timex Run
MANILA, Philippines - May kabuuang P600,000 at Timex watch bukod pa sa ibang premyo ang nakalaan para sa "Time is Running: The 2009 Timex Run with coach Rio de la Cruz and Piolo Pascual" na tatakbo sa Nov. 15 sa Bonifacio High Street sa Global City sa Taguig.
Ang tatlong pangunahing magtatapos sa lalaki at babae sa lahat ng kategorya, kabilang na ang 3K, 5K, 10K at 21K ay tatanggap ng Timex Ironman Triathlon watches na may kasamang Timex Heart Rate Monitors at latest na Nike running shoes.
Dalawamput-anim na iba pang relo ang ipaparaffle kabilang na ang Timex Heart Rate Monitor at Timex Expedition WS4, sa lahat ng partisipante na umaabot na ngayon sa 4,000 at inaasahang dadagsa pa bago ang deadline sa Nov. 9.
Ang pagpapalista ay naka-centralized sa Nike Park at Bonifacio High Street, Timex Shop at SM North Edsa at sa The Trion Towers Site Showroom sa Fort Bonifacio Global City.
Upang masigurong maayos ang pagtatanghal ng Timex-sponsored event, sinabi ng organizers na lilimitahan ang bilang sa 5,000. Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan sa event’s secretariat sa 703-1736.
- Latest
- Trending