HANOI -- Humakot uli ng isa pang silver at dalawang bronze medal ang Philippines nang muling naglista ng magandang performance ang delegasyon sa 3rd Asian Indoor Games.
Naisubi ni Rhea May Rifani ang ikatlong silver ng bansa sa women’s 52-kilogram sanshou event habang inukit naman nina muay artist Zaidi Laruan at Jay Harold Gregorio ang bronze sa lightweight at welterweight class para mapaganda ang marka ng bansa sa kanilang hinakot na 1 gold, 3 silvers at 5 bronzes.
Masyadong malakas ang Chinese na si Gong Jinlan para sa 20 anyos na si Rifani at bumigay sa 0-2 decision sa pagsasara ng sanshou even t kahapon sa Trinh Hoai Duc Gymnasium.
Dahil dito, isinara ng Philippines ang kampanya sa sanshou na may isang silver at bronze medal nang kunin ni Jennifer Lagilag ang thrid place sa 48k class.
Yumuko naman sina La-ruan at Gregorio sa kanilang mas mabangis na kalaban at makuntento sa bronze medal sa semifinal na ginanap sa Rach Mieu Gymnasium sa Ho Chi Minh City.
Nalasap ni Laruan ang 0-5 decision kay Plengsanthia Pongpan ng Thailand habang yumukod naman si Gregorio kay Yaser Abusafiyah ng Jordan, 1-4.
Dahil dito, naiwan si Maricel Subang na nag-iisang lahok ng bansa na lalaban sa gold medal na gaganapin ngayon.
Maaaring madagdagan ang medalya sa swimming nang pumasok sa finals ng 200m freestyle si Miguel Molina sa oras na isang minuto at 49.25 segundo para sa ikatlong puwesto sa pang-umagang heats sa walong finalist.