Pacquiao, kumpiyansa!
HOLLYWOOD -- Abot-tenga ang mga ngiti ni Manny Pacquiao at punum-puno ng kumpiyansa nang hara-pin nito ang media noong Miyerkules sa Wild Card Gym dito.
“I can’t wait for the fight,” deklara ng reigning poun-for-pound champion nang lumabas ito sa harap ng mga mediamen na naka-pila sa tatlong sulok ng ring kasabay ng pitik ng mga kamera.
May sariling media day din si Miguel Cotto, na naganap noong Martes sa Pound4Pound Gym dito sa Los Angeles at walang kabuhay-buhay. Una dahil iniwan ni Cotto ang kanyang mga ngiti sa training camp sa Las Vegas.
Hindi man lang ngumi-ngiti si Cotto,pabatid kay Pacquiao.
“Ganoon ba? Pagbigyan niyo na. Nagre-reduce yun eh (Is that so? Let him be. He’s reducing),” wika ng 30-year-old icon na mukhang komportable sa kanyang timbang at kumpiyansang aabot sa 145 lbs na limit anumang oras mula ngayon.
Sa kabilang dako, nahihirapan naman si Cotto na tila natutuyo sa pagbaba ng timbang mula sa 160 lbs may dalawang buwan na ang nakalilipas. at ang tanong ay kung makakarekober ito pagdating ng laban sa Nov. 14 kahit na makapasa ito sa weigh-in.
Maliban sa apat na round na mitts kay Freddie Roach, laging nakangiti si Pacquiao at sinasagot ang lahat ng katanungan at nagawa pang akbayan ang mga nagseseksihang Tekate girls na sapat na para maging mainit ang kapaligiran sa wild Card Gym.
Naroroon din ang kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank, at ang mga Hollywood stars na sina Mickey Rourke at Mario Lopez para maging maliwanag ang kapaligiran taliwas nang harapin ni Cotto ang media na hindi masagot ang katanungan tungkol sa kanyang timbang.
Ramdam pa ni Pacquiao ang epekto ng kanyang appearance sa Jimmy Kimmel Show noong isang gabi sa Hollywood Blvd. Patok na patok ito sa producers na irereplay ang naturang episode ng nationally-televised talk show.
Paminsan-minsan nagi-ging seryoso din ito.
“This is a huge fight for me. This is a big fight. Because if win I become the first boxer to capture seven titles in seven weight divisions,” aniya.
“My advantage for this fight is my speed. And also I believe I have the power,” wika pa niya, na idinagdag na handang-handa siya kahit hanggang 12 rounds sa mas bata at mas malakas na welterweight champion mula sa Puerto Rico.
“Kahit tumagal ang fight wala akong problema (Even if the fight lasts long I won’t have a problem),” ani Pacquiao, kahit na sinabi ng kanyang chief trainer ang knockout sa first round o sa 10th round.
- Latest
- Trending