70 aspirante pumirma na sa PBL Rookie Camp

MANILA, Philippines - May kabuuang 70 aspirante ang pumirma na sa Rookie Camp ng Philippine Basketball League na idadaos sa Nov. 10 sa Jose Rizal University gym.

Babandera sa listahan sina Hyram Bagatsing ng La Salle at Nikko Hubalde ng Emilio Aguinaldo College. Ang anim na oras na aktibidades ay magsisimula sa alas-8 ng umaga.

Lahat ng interesadong aplikante ay maaring magpadala online sa pbl2010draft@gmail.com na ang subject ay PBL 2010 Draft. Kailangang magsumite ng mga impormasyon na kinabibilangan ng pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, citizenship, school o university kung saan ito kasalukuyang naglalaro o huling dinaluhan, taon ng pagtatapos sa high school at ilang kailangang impormasyon tulad ng telepono sa bahay at cellphone.

Show comments