^

PSN Palaro

Lady Blazers nakasiguro ng playoff

-

MANILA, Philippines - Buo ang loob, siniguro ng College of St. Benilde na makakahabol ang grupo sa susunod na round ng ilampaso nito ang University of the Philippines, 32-30, 25-19, 25-13 sa Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan City kahapon.

Matindi ang pagha-hangad na makuha ang natitirang pwesto sa quarterfinals, nagbuhos ng 16 kills si Katty Kwan habang nagkalat naman ng 13 attacks at 15 points si Giza Yumang na muling bumulusok matapos lumiban ng isang laro ng grupo dahil sa pakikilahok nito sa Uni-games sa Iloilo.

Namuno sa pagkubra ng panalo, nagsanib para sa 31 hits, tinapos ng duo ang laban sa loob ng maaksyong isang oras at 20 minuto upang iselyo ang ikalawang panalo ng Lady Blazers.

Matapos ang tagumpay sa UP at makuha ang playoff para sa huling silya ng quarterfinals, agad nang sasabak ang St. Benilde sa hamon ng nangungunang UST Tigresses sa final elims bukas ng torneong hatid ng Shakey's Pizza.

Bunga ng pananaig ng Lady Blazers, tuluyan nang namaalam sa torneo ang UP na may 0-6 katulad ng Lyceum na wala pa ring naitatalang panalo.

Subalit mayroon pang natitirang pag-asa para sa dalawang kulelat na koponan.

Kinakailangan nilang masweep ang huling dalawang laban kontra FEU at UP at manalangin na mahulog ang St. Benilde sa laban nito kontra UST para maisulong ang playoff sa huling QF berth.

Samantala, tulad ng inaasahan mainit ang na-ging bakbakan ng San Sebastian at Ateneo-OraCare kung saan nanaig ang una sa pamamagitan 25-20, 25-21, 21-25, 17-25, 15-13 panalo upang iparada ang ikaapat na panalo. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

COLLEGE OF ST. BENILDE

GIZA YUMANG

KATTY KWAN

LADY BLAZERS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SARIE NERINE FRANCISCO

SHAKEY

ST. BENILDE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with