Pacquiao sabik at hindi na makapaghintay sa laban
MANILA, Philippines - Matapos dumaan sa pinakamabigat na physical conditioning, magsisimula na ring magpatulis ng suntok si Manny Pacquiao ngayong linggo habang papalapit na ang pinakahihintay niyang showdown kay Miguel Cotto.
At hindi na makapag-hintay si Pacquiao.
“Let’s get it on!” anang 30-year-old boxing superstar mula sa Los Angeles kung saan nakipag-ispar ito ng 12 rounds kay Shawn Porter at kasama sa Wild Card Gym.
“I feel very good. Training camp has been perfect so far and my trainer Freddie Roach and I think we have a great chance of beating the welterweight champion of the world,” aniya.
Si Pacquiao, na umaa-sinta ng ikapitong world title sa pitong magkakaibang weight class, ay nanaabik na rin sa laban, na masasabing pinakamalaki at pinaka-exciting ngayong taon.
Simula sa susunod na linggo, mababawasan na ang bilang ng isparing at ihahanda naman ang mental aspect.
“The number of sparring rounds will go down but the level of our mental preparation increases. Physically, I think we’ve covered all the bases and we should be ready for anything Miguel Cotto can do in the fight,” ani Pacquiao.
Trinabaho ni Pacquiao ang kanyang bilis upang matabunan ang anumang bentaheng mayroon si Cotto, ang mas bata, mas matangkad at mas mabigat na Puerto Rican.
Ugali na ni Cotto ang pakikipag-face-to-face sa kalaban, dagdag ni Pacquiao na lalo niyang pinag-interesan at maging ng mga fans.
“Ang style ni Cotto, yung hindi umaatras sa sagupaan, ay kapana-panabik para sa lahat. Iyan ang gusto ko,” ani Pacquiao na huhugot ng mahigit pang 100 rounds ng sparring patungo sa huling dalawang linggo ng pagsasanay.
- Latest
- Trending