NPC Media Invitational badminton
MANILA, Philippines - Patuloy na tinatanggap ang pagpapalista para sa ikalawang yugto ng National Press Club Media Invitational Badminton Championship na nakatakda sa Nov. 7-8 sa Rizal Memorial Badminton Center sa Vito Cruz, Manila.
Sinabi ni NPC president Benny Antiporda na ang dalawang araw na torneo ay bukas sa lahat ng club members at kasaping organisasyon maging ng mga kaibigan at supporters na nais maglaro sa guest division ng torneong hatid ng Philippine Games and Amusement Corporation (Pagcor) sa kooperasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Gatorade, Valencia Badminton Center, Philippine Sports Commission at Unilever Philippines.
Babanderahan ng first leg champion Philippine Star ang mga partisipante na kinabibilangan ng Philippine Daily Inquirer, GMA-7, Manila Bulletin, Manila Times, Manila Standard, NBN-4, IBC-13, Malaya, Remate Tonight, Pilipino Star Ngayon, Bulgar, Abante at Freeman.
Ang deadline para sa pagsusumite ng lahok ay sa Nov. 6, Biyernes. Ang lahat ng interesado ay maaaring tumawag sa NPC Secretariat,at hanapin si Tita Fely o May sa tel. No. 301-0521 o 22. Ang mga interesadong koponan ay maaari ding makipag-ugnayan kay tournament director Edwin Rollon sa mobile No. 0926-7363386.
- Latest
- Trending