Talao, bagong PBAPC prexy
MANILA, Philippines - Nahalal na pangulo ng PBA Press Corps para sa ikalawang termino ang beteranong sportswriter na si Tito Talao ng Tempo.
Si Talao, naging PBAPC president ng tatlong sunod na taon noong 1999-2002, ang papalit kay multi-termed office na si Nelson Beltran ng Philippine Star, na awtomatikong member ng board of directors.
Napanatili naman nina Zean Macamay ng People’s Journal at Mae Balbuena ng Pilipino Star Ngayon ang kanilang posisyon bilang vice president at treasurer, ayon sa pagkakasunod habang si Waylon Galvez ng Manila Bulletin ang secretary kapalit ni Arman Carandang ng Tribune na ngayon ay auditor.
Kasama ni Beltran sa board sina three-year president Noli Cortez ng Malaya at Daily Inquirer sportswriter Musong Castillo.
Si Galvez ang mamumuno ng membership committee, si Carandang sa constitution and by-laws, at si Beltran kasama ang PBAPC president at treasurer, sa finance committee.
Itatalaga nina PBA chairman Lito Alvarez ng Burger King at ni PBA commissioner Sonny Barrios, ang mga bagong opisyal; sa kanilang posisyon. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending