Pangako sa mga atleta tinupad ni Angping
MANILA, Philippines - Tinutupad lamang ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ang kanyang pangako sa mga national athletes.
Nakatakdang simulan nga-yong araw ni Angping ang pagbibigay niya ng karagdagang P2,500 para sa monthly allowance ng 153 atletang lalahok para sa darating na 25th Southeast Asian Games sa Laos.
“On Thursday magkakaroon tayo ng lunch ng 153 athletes and I will start distributing that additional cash incentive,” ani Angping sa tanghalian na nakatakda sa PSC Canteen sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila. “This is on top of their monthly allowance.”
Ang kabuuang P354,000 para sa 153 athletes ay bahagi ng hakbang ni Angping upang palakasin ang loob ng delegasyong sasabak sa 2009 Laos SEA Games sa Disyembre 9-18.
Kamakailan ay inihayag ng Ambassador sa China ang ka-ragdagang P4 milyon para sa cash reward sa mga atletang mag-uuwi ng gintong medal-ya mula sa nasabing biennial event.
Ang bawat gold medal ay may katumbas na P100,000 mula sa PSC, P100,000 buhat sa Republic Act 9074 o ang “Cash Incentives Act” at P100,000 galing sa pribadong sektor na nalapitan ni Angping.
“This means that a gold in the SEA Games is now worth P300,000. And if you win three gold medals, you get P900,000 for a merry, merry Christmas,” wika ni Angping.
Noong 2007 SEA Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand, apat na ginto ang nilangoy ni national swimmer Mark Molina upang tanghaling “Best Athlete”.
Maliban sa karagdagang cash incentive na P2,500, makakatanggap rin ang bawat miyembro ng 153-national contingent ng 720 pirasong Enervon multi-vitamins tablet at calactine at 24 cans (180ml) ng Enervon HP powdered drink buhat sa United Laboratories.
Katumbas ang mga ito ng halagang P7,225,920.00, ayon kay Angping. (RCadayona)
- Latest
- Trending