Lady Tams nasa quarterfinals na
MANILA, Philippines - Hawak ang pag-asa, taas noong bumawi ang Far Eastern University mula sa masalimuot na third set performance para banderahan ang St. Benilde sa fourth set 25-17, 25-19, 13-25, 25-18 at angkinin ang ikalawang pwesto sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Pinagpatuloy ang panunuwag, ayaw magpapagil ni Cherry Vivas sa pagtipa ng solidong laro sa pamamagitan ng pagtipa ng 17 hits matapos ang pinamalas na 23 point game kontra San Sebastian Lady Stags kamakailan.
Determinado, layon ng Lady Tams na painamin ang fourth place finish nito sa nakalipas na kumperensya at makisosyo sa UST Tigresses (5-0) sa susunod na round ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza at organisado ng Sports Vision.
Matindi ang kapit sa kontensyon sa titulo, bagamat natalo sa NCAA women’s volley, pagpupursigihan ng Lady Blazers na malampasan ang apat na natitira nitong laban sa single round robin elims kung saan top six ay hahakbang patungo sa quarters ng event na suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond and OraCare.
Bagamat nahirapan sa reception, nakapag-adjust ang bataan ni FEU coach Nes Pamilar upang agad na makaresponde sa kanilang kakulangan.
Bumulsa ng kanyang eksplosibong laro, kumolekta ng 3 aces si Vivas at humugot ng tulong kina Shaira Gonzalez at Rose Cabanag na nakapag-amabag ng 16 at 11 points produksyon.
Sinamantala ang mahinang depensa ng Lady Tams, pinaulanan ng ata-ke ni Giza Yumang ang kalaban at giniya ang Lady Blazers sa kalamangan ng third period.
Subalit bigong masegundahan ang pagkaka-taon, agad na rumesbak ang Morayta based spikers para agawin ang momentum at ipwersa ang deci-ding set.
Nag-ambag rin si Ren Agero ng 14 hits,tampok ang 5 service winners ngunit napilay naman ang matayog na produksyon nina Katty Kwan at Zharmaine Velez nang ma-limitahan ito sa 6 points kontribusyon para sa St. Benilde.
May pagkakataon pa sanang makalusot ang Lady Blazers ngunit napigilan ang pagtatangka nito nang bumulusok si Rachel Daquis para sa 20-14 run.
Sa kabilang banda, nakabalik na sa winning column ang Ateneo makalipas ang back to back setbacks nang ibaon ang Lyceum sa 25-22, 22-25, 25-19, 25-21 para itabla ang baraha nito sa 2-2 panalo-talo.
Nagrehistro si Fille Cainglet ng 23 hits habang kumana sina Angeline Gervacio at guest player Charo Soriano ng 12 points.(Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending