Burger King wagi

MANILA, Philippines - Iniligtas ni Ronjay Buenafe ang Burger King matapos umis-kor ng winning basket sa huling 1.8 segundo ng labanan kontra sa Rain Or Shine sa Arturo S. Lugod Gym sa Ginggoog City sa Misamis Oriental.

Tumapos si Buenafe ng 22-puntos upang pamunuan ang Whoppers sa pagsulong sa 2-2 record habang lalo namang nabaon ang Elasto Painters sa 0-3 kartada.

Malakas ang nagingpanimula ng BK ngunit naabutan ito sa ikalawang yugto para malusutan ang 8-point deficit sa huling 4:32 ng labanan.

Naglista ng career-best na 25 puntos si Ryan Araña ngunit nagmintis sa charity na nagbigay sana ng tsansa sa Rain Or Shine may 5.8 tikada na lang ang nasa orasan.

Burger King 91- Buenafe 22, M. Yee 14, R. Yee 13, Belga 10, Matias 8, Sharma 6, Billones 5, Lanete 4, Aban 4, David 3, Quinahan 2.

Rain Or Shine 89 – Araña 25, Reyes 15, Chan 14, Norwood 13, Laure 9, Mercado 6, Telan 5, Arellano 2, Ybanez 0, Dulay 0, Cruz 0.

Quarterscores: 32-18, 55-47, 61-69, 91-89.

Show comments