^

PSN Palaro

Arboleda, Yee, kinasuhan na ng fan

-

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng isang basketball fan ang dalawang basketball players  ng Burger King Whoppers sa Quezon City Prosecutors Office dahilan sa umanoy pananakit ng mga ito sa kanya sa QC.

Kasong  physical injuries ang ikinaso ni Alain Katigbak laban sa Burger King Players na sina Wynne Arboleda at Mark Yee, nakasaad sa 9-pahinang  affidavit-complaint nito na naganap ang pag atake sa kanya ng dalawang manlalaro nang nasa ere ang laro ng  Burger Kings at ng Smart Gilas RP National Team noong Oktubre 16, 2009.

“On the way to the hospital, I vomited and started feeling nauseous. My head, especially the right side of my face was throbbing with pain. My right arm became red and swollen as a result of the blows that I sustained. I also felt severe pain in my abdominal area,” pahayag ni Katigbak sa kanyang complaint affidavit.

Bunsod anya ng pananakit ng naturang mga manlalaro, dumanas siya ng matinding sakit ng ulo at batok  bukod sa pagiging “psychologically traumatized sa nangyari.

Inamin ni Katigbak na siya ay sumigaw lamang ng hindi maganda laban kay Arboleda nang ito ay nagkaroon ng dalawang beses na foul laban sa Smart Gilas players at sumigaw ng hindi maganda sa referee na nagbunsod para atakihin siya ng mga manlalaro.

Hindi na nga anya siya lumalaban sa ginagawang pananakit sa kanya ng naturang mga manlalaro pero paulit ulit siyang sinaktan ng mga ito sa pamamagitan ng pagsuntok sa kanyang tiyan at pagbatok sa  ulo.

“The respondents are very stocky, hefty, and muscular basketball players, and so I thought I would not be able to survive their flurry of kicks, kneeing and punches. As I feared for my life, I thought of my wife who is on her sixth month of a very delicate pregnancy, as well as my five-year old son,” pahayag pa ng biktima.

Sinabi pa nito na pinawi na ng security guard doon ang natu-rang gulo pero pilit pa rin siyang sinasaktan  ng mga suspek.

Kakasuhan din anya ng biktima ng dagdag na kasong sibil sa mga akusado dahil sa pinsala sa kanyang katawan na ginawa ng naturang mga manlalaro. (Angie Dela Cruz )

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

AS I

BURGER KING PLAYERS

BURGER KING WHOPPERS

BURGER KINGS

KATIGBAK

MARK YEE

NATIONAL TEAM

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with