^

PSN Palaro

ANG PLAYER AT ANG FAN

SPORTS - Dina Marie Villena -

Humingi na ng public apology si Wynne Arboleda ng Burger King sa fan na kanyang sinapak sa game nila vs Smart Gilas noong nakaraang Miyerkules.

Gayundin ang management ng Whoppers.

Pero tama na ba yun?

Tanong ng marami.

Marami kasing lumabas na reaction sa naging asal na ito ni Arboleda.

Marami ang nagsasabing hindi dapat ginawa ni Arboleda ang pananapak lalo na sa fan na siyang buhay ng ligang pinaglalaruan niya.

Korek!

Hindi tama na dahil sa pang-aasar ng isang fan ay magpapadala ka.

Di ba parte ng buhay nila ang mga fans?

Ke pabor sa iyo o hindi tama na maging bayolente ang reaksiyon mo kung may fan na mang-aasar.

Ilang players na ba ang naging ganito ang asal?

Pagkatapos manapak eh hihingi ng sorry.

Ganun-ganun na lang ba yun?

At kung magpapatawad ang fan na naging biktima, marami pang ganung insidente ang magaganap.

Hihingi lang ng sorry tapos na.

At mauulit ang pangyayari.

Marami rin sa mga reaksiyong natanggap natin sa pamamagitan ng email at maging comment sa facebook ang kinokondena ang ganitong asal ng player.

So ano ang dapat gawin ng PBA sa player na ito?

Sapat na ba ang sorry?

Hindi kaya dapat na maging istrikto ang PBA tungkol dito?

Isipin na lang nila na ang mga fans ay bahagi at buhay ng liga at ng players.

So wait na lang namin ang magiging desisyon ng PBA tungkol dito.

At inaasahan ng maraming fans na magkakaroon sila ng batas para sa ganitong insidente para totoong hindi na maulit. (basahin ang kaugnay na balita sa pahina 16)

Pakiusap lang din sana sa mga fans na huwag rin maging personal ang kanilang pang-aasar. Mga tao din naman ang mga players na tulad natin. Nagkakamali at umiinit ang ulo.

Yun lang!

ARBOLEDA

BURGER KING

GANUN

GAYUNDIN

HIHINGI

HUMINGI

ILANG

MARAMI

SMART GILAS

WYNNE ARBOLEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with