^

PSN Palaro

Sino ang haharap sa San Beda: JRU o San Sebastian?

-

MANILA, Philippines - Huling pagkakataon na, makikipagbuno ang last year’s runner up Jose Rizal at San Sebastian College para sa huling pwesto sa championship round ng 85th NCAA basketball tournament ngayon sa The Arena, San Juan City.

Sumandig sa makapangyarihang laro ni Cameroonian John Njei, naipwersa ng Bombers ang knock out match para sa kampeonato makaraang lampasuhin ang Jimbo Aquino less-Stags, 72-65 noong Biyernes.  

Nakaabang sa makakalaban, hinahasa na ng reigning three peat titlist San Beda ang pangil upang sunggaban ang korona matapos pataubin ang Rey Guevarra less Letran, 82-76 kamakailan. 

Determinado sa pagbawi, aasintahin ng Bombers na mahablot ang korona at muling makatuntong sa kampeonato.

Subalit pipilitin naman ng San Sebastian na huwag mabalewala ang magandang umpisang naipamalas nito. Sa muling pagbabalik ni Jimbo Aquino na nabigyan ng one game suspension dahil sa panununtok kay Jake Pascual ng San Beda, sisikapin ng bataan ni SSC mentor Ato Agustin ang umabante palapit sa titulo ng liga. 

“He’s the heart and soul of the team, he would be a vital part in this game,” wika ni Agustin na tiwala sa kakayahan ng kanyang kapitan.

Aminado rin si coach Ariel Vanguardia na kinakailangan niyang paghandaan ang muling pagsabak ni Aquino sa hard court sapagkat ito ang malaking tinik para sa kanyang lalamunan. (SNFrancisco)

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

ATO AGUSTIN

CAMEROONIAN JOHN NJEI

JAKE PASCUAL

JIMBO AQUINO

JOSE RIZAL

REY GUEVARRA

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with