Kenyan runner inaasahan sa QCIM
MANILA, Philippines - Ang lahat ng mata ay nakapokus ngayon sa dating world junior track and field silver medalists mula sa Kenya, na piniling paborito sa pagtakbo ng first Quezon City International Marathon sa Quezon Memorial Circle.
At kung pagbabasehan ang kredensiyal, wala nang kawala sa 23 anyos na si Daniel Kipkemei Koringo, nagwagi ng silver medal sa 10,000 meters sa 2005 world juniors sa Marrakesh, Morocco, ang nakatayang P300,000 premyo sa karerang seselyo sa 70th founding anniversary celebration ng Quezon City.
Ang patpating 6’2 na mula sa Eldoret, Kenya, na may sariling athletic club ng mga long distance runners, ay bitbit ang impresibong kredensiyal kabilang na ang panalo sa Malakoff 26K Run sa Penang, Malaysia noong Hunyo.
Unang nailista ni two-time Olympic marathon champion Waldemar Cierpinski ng Germany ang tagumpay noong1982 Manila International Marathon makaraang magwagi ito sa men’s event sa bilis na 2:14.27, at nanatiling hindi nabubura na ngayon ay malamang na wasakin na ng batang Kenyan sa karerang inorganisa ng pamahalaan ng QC at itinataguyod ng San Miguel Corporation, The Philippine STAR, New San Jose Builders, GMA Network, Puregold, Ayala Land, Robinson’s Land at Shoemart. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending