UP Lady Maroons bagsak sa AdU Lady Falcons

MANILA, Philippines - Bumangon mula sa opening game na kabi-guan, inilista ng Adamson ang kanilang ikalawang sunod na panalo makaraang hiyain ang University of the Philippines, 25-13, 25-22, 25-15, kahapon sa Shakey’s V-League Season 6 second confe-rence sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.

Nagpakawala ng 12 atake si Angela Benting habang naglista naman ng 11 at 10 hits sina Pau Soriano at Jill Gustillo upang tulungan ang Lady Falcons sa pagdispatsa sa Lady Maroons sa straigt set na tagumpay.

Matapos yumuko sa UST noong opening day, ito ang ikalawang sunod na panalo ng Adamson na nagbigay sa Lady Falcons ng kumpiyansa at momentum sa kanilang pakikipagtipan sa Far Eastern University bukas.

“They’re starting to jell and play with a lot of discipline,” wika ni Adamson coach Dulce Pante.

Humakot ng 10 puntos kabilang na ang dalawang blocks, hindi ito naging sapat upang mahatak ni Cathy Barcelona ang UP na malasap ang ikatlong sunod na kabiguan sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare.

Kasalukuyan namang nakikipagbuno ang UST sa Lyceum para sa kanilang ikatlong sunod na panalo at katatagan sa solo liderato.

Samantala, mapapanood ang Adamson-UP game ngayong alas-2 sa NBN-4. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments