MANILA, Philippines - Ang 2009 Timex Run sa Nov. 15 ay magsisilbing prelude sa kaunahang "RunRio Trilogy," isang three-leg circuit sa loob ng limang buwan na katatampukan ng 32km Afroman run sa third at final stage.
Inaasahan ng mga organizers ng event na sponsored ng Timex, expect na maraming sasali para lumaban sa apat na events na kinabibilangan ng 3K, 5K, 10K at 21K, sa Bonifacio High Street sa Global City, Taguig kung saan may nakatayang cash prizes at magagandang gift items at stake.
Ang RunRio Trilogy, nabuo ni running coach Rio de la Cruz para bigyan ang mga marathon hopefuls ng tsansang kumarera sa kanilang full-marathon, na magsisimula sa Dec. 6 sa Daang Hari sa Las Pinas, at ang Global City ang magho-host ng second leg sa Feb. at ang huli ay sa Daang Hari din sa April 11 tampok ang inaabangang 32K Afroman run.
Ang tinaguriang "Time is Running: The 2009 Timex Run kung saan ang Timex Run ay tatampukan din nina TV/movie star na sina Piolo Pascual, Mark Bautista, at iba pang celebrity endorsers ng pangunahing watch brand na Timex sa mundo.
Ang registration ay tinatanggap pa sa iba’t ibang Timex shops (SM Mall of Asia, SM North Edsa, Glorieta 3, SM Megamall, and SM Southmall) Robinsons Land showrooms (Amisa showroom, Robinsons Place Manila; Grand showroom, Robinsons Galleria; Trion Towers, Fort Bonifacio Global City), at Nike Park, Bonifacio High Street. Hanggang Nov. 9 Para sa detalye tumawag kay Rio de la Cruz sa 0918-9859211.