Marami ang hindi impress sa performance ni Japeth Aguilar nang maglaro kontra sa Purefoods sa opening ng PBA Philippine Cup.
Katunayan, nagtala lamang ito ng 10 points.
Eh ano ba naman ang aasahan mo sa isang araw na pakikipag-ensayo ni Japeth sa Burger King makaraang mapilit itong pumirma ng kontrata sa Whoppers?
Siyempre nangangapa pa yung bata.
Sana naman pabigyan natin si Japeth ng kahit ilang laro. Tingnan nga natin kung talagang may ibubuga siya at karapat-dapat na habulin ng Burger King.
Maninibago siyempre si Japeth sa Whoppers dahil matagal-tagal na rin itong nakapag-praktis sa Smart Gilas team, ang koponan na ninais niyang pagsilbihan.
Hindi nga ba’t kinulit-kulit siya ng BK na pumirma sa kanila hanggang isang araw bago ang magsimula ang liga ay pumirma na rin siya ng isang taong kontrata.
Parang mahirap yatang maglaro sa isang team na napilitan ka lang.
Di ba parang sa mga-asawa yan, kung yung babae o lalake ay napilitan lamang magpakasal sa isa’t isa nahihirapan mag-adjust ang dalawa.
Marahil ganun din kay Japeth.
Bigyan natin siya ng pagkakataon na magustuhan na rin niya sa Burger King.
May mga nagsasabing kung talagang magaling daw ang player kahit daw hindi pa ito nakapagpraktis sa team na sasamahan niya ay lalabas pa rin ang galing.
Tumpak!
Pero laging may exception to the rules.
Siguro mas tama yun dun sa mga players na gusto ang team na lalaruan.
Sa palagay nyo ba gusto ni Japeth talaga sa BK?
Yun lang.
* * *
Speaking of Japeth, bahagi sa offer ng BK kay Japeth ay pwede siyang maglaro sa Smart Gilas pumirma lang siya dito.
Paano kaya yun?
Kasi kasali bilang guest team at bahagi ng practice ng Smart Gilas ang kanilang pagsali sa ongoing PBA Philippine Cup.
At least once week ang schedule nila sa Philippine Cup.
Katulad niyan, magkalaban sa Biyernes ang Smart Gilas at Burger King.
Saan ngayon lalaro si Japeth?
Kailangang may patunayan siya sa fans ng Burger King at gayundin sa pagiging National team member.
Hala paano nga kaya yun?
Kung paano yun? (May latest developement tungkol dito. Basahin sa pahina16)
* * *
May isang reader tayo ng PSN na nakipagkonek sa atin sa Facebook at narito ang kanyang mensahe.
“Hi Ms. Dina.. gawa naman po kayo ng kolum sa PSN regarding sa Barangay Ginebra! hehehehe.. sensha sa request ko ha.. PSN nga po pala ang No. 1 tabloid dito sa Saudi.. ;) pabati po ako sa next kolum nyo..Salamat po sa inyo. Jayr Sorillano.
Hayan na Jayr pinublish ko na lang ang buong message mo dito sa kolum ko. Sa ngayon wala pa gaanong issue sa Ginebra pero hayaan kukuha tayo ng item tungkol sa kanila para sa lahat ng Barangay Ginebra fans. Salamat.(DMVillena)
* * *
Happy birthday kay Ma. Fe Franco (Oct. 14) at sa aking sister na si Sarah (Oct. 18).