^

PSN Palaro

Purefoods may ipinakita; BK taob

-

MANILA, Philippines - Ipinakita ng Purefoods ang resulta ng kanilang ginawang pagpapalakas sa team nitong off season matapos dominahin ang Burger King tungo sa 93-80 panalo sa opening game ng PBA Philippine Cup -- ang opening conference ng 35th season ng PBA-- sa Araneta Coliseum kagabi.

Sa simula pa lamang ng laro ay ipinaramdam na ng TJ Giants ang kani-lang lakas matapos kunin ang 21-11 kalamangan sa unang quarter at hindi nila hinayaang makalapit ang Whoppers at pinalobo nila ito sa 20-puntos na naitala nila ng ilang beses ang huli ay sa 88-68 sa basket ni Rafi Reavis papasok ng huling limang minuto ng labanan.

Bagamat si Kerby Raymundo ang nanguna sa Purefoods na sinundan ng 17 ni Jun Simon, si Reavis ang tinanghal na Best Player ng laro kahit na may 14 puntos lamang ito, dahil sa impresibong laro at pagkamada ng 20 rebounds.

Sa debut game ng kontrobersiyal na top draft pick na si Japeth Aguilar, hindi ito kinakitaan ng intensibong laro at tumapos lamang ng 10-puntos para sa Burger King habang ang No. 2 pick na si Rico Maierhofer ay tumapos ng siyam na puntos lamang kabilang ang isang impresibong alanganing basket na naipasok niya kahit naipit ito ng mga bantay nang kanyang itinira.

Sa opening ceremonies na kinatampukan ng parada ng mga teams na pumukaw ng pansin ang kanilang mga naggagandahang muse.(Mae Balbuena)

ARANETA COLISEUM

BEST PLAYER

BURGER KING

JAPETH AGUILAR

JUN SIMON

KERBY RAYMUNDO

MAE BALBUENA

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

RAFI REAVIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with