^

PSN Palaro

Bagong kaispar ni Pacquiao masusubukan

-

MANILA, Philippines - Pagtutuunan ng pansin ngayon si Jose Luis Castillo sa pakikipag-ispar ng dating world champion mula sa Mexico kay Manny Pacquiao sa Martes sa Baguio City.

Ang 35 anyos na si Castillo, dating WBC lightweight champion na nakaharap na sina Flloyd Mayweather Jr. at yumaong Diego Corrales ay nasa Baguio na.

Dumating na ito noong isang araw pero hindi dumeretso sa Baguio dahil sa landslides at baha na dulot ng bagyong ‘Pepeng’.

Hindi nag-aksaya ng oras inatasan ni Pacquiao na kailangang makarating agad si Castillo sa Baguio kaya naman mabilis na ipinahiram ng kanyang kaibigang si Chavit Singson ang kanyang 28 seater private plane.

“He just came in today,” wika ni chief trainer Freddie Roach habang nilalanghap ang kanyang dayoff sa malamig na lugar ng Baguio.

“He’ll spar on Tuesday with Manny. I’ll ask him to do three rounds but we’ll be doing seven for the day,” dagdag ni Roach.

 Dumating si Castillo kasama ang American superlightweight na si Danny Escobar at maghahanda na sila para makasabay sa nagaganap na isparing.

May mga tanong sa kasalukuyang kondisyon ni Castillo at kung makakayanan si Pacquiao. At lahat ng ito ay masasagot bukas.

“He says he’s in shape. But I can’t tell you anything until Tuesday,” ani Roach, na pinanood si Pacquiao na nakipag-ispar na ng kabuuang 31 rounds matapos ang dalawang linggo.

Sa nakalipas na dalawang araw nakipag-ispar na ng 7 rounds si Pacquiao at nasiyahan naman si Roach.

“He dominated both guys yesterday,” dagdag ni Roach, na inatasan din si Pacquiao na lumangoy sa loob ng 30 minutos dahil hindi ito nakatakbo bunga ng masamang panahon.

Samantala, pinabulaa-nan din ni Roach ang ulat na plano ni Pacquiao na magtungo sa Amerika ng mas maaga sa Oktubre 24.

“That’s a lie. Whoever said that was lying. I just talked to Manny and it’s still Oct. 24. That’s where it is,” ani Roach. (ACordero)

vuukle comment

BAGUIO CITY

BUT I

CHAVIT SINGSON

DANNY ESCOBAR

DIEGO CORRALES

DUMATING

FLLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

JOSE LUIS CASTILLO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with