^

PSN Palaro

PBA Philippine Cup di-dribol ngayon

-

MANILA, Philippines - Tampok ang tagisan ng galing ng mga top rookie picks na sina No. 1 pick Japeth Aguilar ng Burger King at ang second pick na si Rico Maierhofer ng Purefoods sa kaisaisang laro ng pagbubukas ng PBA Philippine Cup bilang opening conference ng 35th season ng PBA sa Araneta Coliseum.

Bago ang araw na ito, marami ang nag-aakalang hindi makikitang maglalaro si Aguilar sa Burger King ngunit nagkaroon ng solusyon ang problema at inaasahang palalakasin ni Aguilar ang Burger King.

Matapos tanggihan ang alok ng Burger King para lumaro sa national Youth team Smart Gilas, nagkasundo ang magkabilang panig sa pamamagitan ni Manny V. Pangilinan at pumirma kahapon si Aguilar ng isang taong kontrata sa Burger King at pahihintulutan din siya ng BK Whoppers na lumaro sa guest team na Smart Gilas kung kanyang nanaisin.

Nakipagpraktis si Aguilar kahapon sa Whoppers sa Reyes Gym noong umaga bilang paghahanda sa season opener na tatampukan ng debut nina second round draft pick Rico Maierhofer at pagbabalik nina Marc Pingris at Paul Artadi sa Purefoods.

“He (Aguilar) had his first practice with us and he’s okay. He easily picked up our patterns since he’s not a total stranger in my system,” wika ni BK coach Yeng Guiao.

“We’ll see tomorrow (today). We were ready to play Purefoods without him. We’ll use him as long as he can help. If he can help even with just one practice, then it’s good. We’re hoping for positive result,” dagdag pa ni Guiao.

Magsisimula ang laban sa alas-6:30 ng gabi pagka-tapos ng makulay na opening ceremonies nauumpisahan ng alas-4:30 ng hapon na ipiniprisinta ng Coca Cola at tatampukan ng mga Hall of Famers Robert Jaworski, Atoy Co at Manny Paner bilang special guest.

Magkakaroon ng tradis-yunal na parada ng mga teams kasama ang kanilang naggagandahang muse at mga dance numbers.

Malaking tulong si Aguilar sa Burger King matapos nilang pakawalan si Arwind Santos at ibigay sa San Miguel.

Bukod kay Maierhofer baguhan din sa team si Rafi Reavis.

Ipaparada rin ng Whoppers ang mga baguhan sa team na sina Ronjay Buenafe at Chico Lanete. (Mae Balbuena)

AGUILAR

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

ATOY CO

BURGER KING

CHICO LANETE

COCA COLA

PUREFOODS

RICO MAIERHOFER

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with