Pumaren nagbitiw na sa DLSU
MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang dekada ng pagiging head coach ng De La Salle University, pormal ang inanunsyo ni Franz Pumaren ang kanyang pagbibitiw bilang head coach ng Green Archers simula Disyembre 2009.
Subalit hindi naman mangungulila ang Green Archers sapagkat igigiya sila ng assistant coach at nakababatang kapatid na si Dindo Pumaren na magiging epektibo sa pagbubukas ng 2010.
Gayundin, lilisanin na ni men’s basketball team manager Agapito “Terry Capistrano” ang Archers upang ituuon ang buong atensyon sa kanyang mga negosyo, matapos ang 9 na taon pagsislbi sa DLSU.
Sa di matatawarang husay, naisubi ni Pumaren ang ang limang UAAP championships at 9 na UAAP finals appearance sa loob ng 11 taon. Pinarangalan rin bilang Coach of the Year ng UAAP/NCAA Press Corps noong 2007.
Kabilang rin sa iba pang parangal na nauwi ni Franz ay ang 2008 Philippine Collegiate Champions League, 2006 at 2007 Filoil Flying V MVP Cup, 2007 Nike Summer League, 2004 Fr. Martin Cup, 1998 at 1999 National Capital Region Athletic Association Championship.
Ngunit, hindi naman niya tuluyang iiwan ang eskwelahang mainahal niya. Magsisilbi pa rin itong consultant ng DLSU basketball program.
“We would like to thank coach Pumaren for his hard work, dedication, and invaluable service to De La Salle University,” pahayag ni vice chancellor for Lasallian mission at external relations at office of sports development executive director Br. Bernard Oca, FSC. “We wish him and Terry Capistrano the best in their new pursuits.” (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending


















