^

PSN Palaro

Ateneo back-to-back champion

-

MANILA, Philippines - Fiesta na para sa Ateneo.

Matapos lampasuhin ng Eaglets ang Juniors Archers sa juniors division, ay hindi rin nagpatumpik tumpik pa ang Blue Eagles sa pagdagit ng back to back championship title sa 72nd UAAP seniors basketball tournament kagabi sa Araneta Coliseum.

Punum-puno ng ligaya, muling pinagharian ng Ateneo ang liga sa magkasunod na taon matapos paluhurin ang UE Red Warriors, 71-54 sa winner take all match ng serye.

Sinulit ang huling taon ng karera sa liga, nagtulong sina Rabeh Al-Hussaini at Jai Reyes para isalansan ang tagumpay sa 2-1 ng best of three finals.

Nagmistulang déjà vu, muling tinaga sa kasaysayan ang back to back title na minsan na nilang nakuha noong 1987-88.

Naghihimagsik ang damdamin, matapos durugin ng UE na may 20 points kalamangan sa Game 2, rumesbak si Al- Hussaini na humugot ng 21 points at 14 rebounds, habang ag 16 points, 6 boards at 6 assists ambag ni Reyes ang tuluyang nagbaon sa UE.

Maging si Nonoy Bac-lao, ang nangungunang defensive specialist sa liga ay tumipa rin 12 rebounds at 2 blocks para dominahin ang laban.

Dahil sa kanyang pambihirang kontribusyon, pinarangalan naman na finals MVP si Al-Hussaini kung saan nagrehistro ito ng championship averages na 22.3 puntos at 11.7 rebounds kada laro.

Buong puso namang inaalay ni Ateneo coach Norman Black ang natamong titulo sa kanyang bataan na mamamalaam na sa liga.

“We dedicated this win to the seniors. I’m proud of Jai (Reyes), Rabeh (Al-Hussaini) and Nonoy (Baclao) who have been with me since I started coaching for Ateneo five seasons ago, I want to end their college careers happy,” aniya.

Mahigpit ang pagkakapit sa inaasam na tropeo, ginantihan ng Eagles ang kalaban sa pamamagitan ng pagposte ng 20 points distansya na hatid ng undergoal stab ni Al-Hussaini.

Sa kabilang banda, bigo si Elmer Espiritu na umiskor ng 16 points, 10 boards at 3 blocks, na sikwatin ang panalo para sa kanyang huling taon. Kinapos ang puwersa, hindi nadaig ng 21 points at 12 rebounds ni Paul Lee ang hinandang sagot ng ADMU.

Subalit sa ipinamalas na dedikasyon, pinuri ni Black si rookie UE coach Lawrence Chongson.

“Coach Lawrence (Chongson) did a great job this season. It’s not all about being a running or a set-up coach, it’s all about motivating players, he has a system,” anang beteranong coach.(Sarie Nerine Francisco)

AL-HUSSAINI

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

COACH LAWRENCE

ELMER ESPIRITU

JAI REYES

JUNIORS ARCHERS

LAWRENCE CHONGSON

NONOY BAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with