^

PSN Palaro

Kenyan runners babandera sa Quezon City International Marathon

-

MANILA, Philippines - Babanderahan ng Kenyan contingent para ipakita ang kani-lang bilis sa paunang Quezon City International Marathon inaasahang may 10,000 runners ang lalahok sa pagsiklab nito sa Oktubre 18 sa Quezon Memorial Circle.

Binubuo ng apat na lalake at 2 babaeng marathoners, ang Kenyans ay hindi lamang aasinta ng pangunahing 42 kilometer race kundi ang matabunan ang record sa pinakamabilis na marathon run sa bansa, pahayag ng event organizers sa PSA forum sa Shakey’s UN Ave. branch, Manila.

Sinabi ni Runnex president Art Disini na pangungunahan ng Ken-yan na si Daniel Kipkemei Koringo, na naghari sa Malakoff 26-K run sa Penang, Malaysia noong Hunyo na may oras na 1:25.53 ang mga maghahamon.

Isa pang banta sa marathon na magkatuwang na inorganisa ng Quezon City government ni Mayor Sonny Belmonte ay ang 25-year-old na si Wilson Songkok, na may personal best ng 2:17.52 sa marathon at top 10 finisher sa Kuala Lumpur half-marathon noong June, sa oras na 1:12.48.35.

Ang dalawa pang Kenyan bets ay sina Gilbert Kipkemoi, winner sa 22K Shah Alam Adidas King of the Road sa Malaysia at Samuel Tarus Too, na nagwagi naman sa 2006 KL International marathon.

Hindi pa nagkukumpirma si Eduardo Buenavista, may hawak ng national record na 2:18.53, ng kanyang partisipasyon.

Bukas hanggang Oct. 13 ang rehistrasyon at maaring magtanong sa Runnex secrertariat sa tel. no. 920-4206.

ART DISINI

DANIEL KIPKEMEI KORINGO

EDUARDO BUENAVISTA

GILBERT KIPKEMOI

KUALA LUMPUR

MAYOR SONNY BELMONTE

QUEZON CITY

QUEZON CITY INTERNATIONAL MARATHON

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

RUNNEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with