^

PSN Palaro

Paco Catholic School nilapa ng UST

-

MANILA, Philippines - Tangan ang misyong muling maiuwi ang korona, mabangis na nilapa ng reigning UAAP Girls’ Junior Volley Champions University of San Tomas University ang Paco Catholic School sa pamamagitan ng 25-16, 25-20 sa ginanap na Shakey’s Girls’ Volleyball League na suportado ng Toby’s Sports, Mikasa, Asics at Mighty Sports.

Ginamit ang karanasan, tinulungan ng mga beteranong sina Alyssa Valdez at Kim Fajardo ang mga baguhang sina Alyja Santiago, Almira Lajara at Anjanette Aguirre sa paggawa ng 24 points produksyon upang masikwat nila ang unang panalo sa season.

Dahil dito, nalaglag ang Paco Catholic School sa ikatlong pagkakataon sa Group A, Bracket A.

Samantala, nagpakitang gilas rin ang Hope Christian HS nang pataubin ang De La Salle Zobel, 25-22, 25-21.

 Tumabo ng malakas na pwersa sa 2nd set kung saan nagposte ng 5-0 kalamangan, bumandera ang maliksing sina Denden Tan, Carol Cerveza at Rica Enclona sa pagkana ng pinagsama-samang 18 points at 7 kills para habulin ang 14-all, 19-all at tinapos sa 25-21 iskor. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ALMIRA LAJARA

ALYJA SANTIAGO

ALYSSA VALDEZ

ANJANETTE AGUIRRE

BRACKET A

CAROL CERVEZA

DE LA SALLE ZOBEL

DENDEN TAN

GROUP A

PACO CATHOLIC SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with