^

PSN Palaro

Generals nakaganti sa Chiefs

-

MANILA, Philippines - Sumandal sa maasahang likod ni Argel Mendoza, nanaig ang Emilio Aguinaldo kontra sa kapwa guest team na Arellano University, 86-81 upang ipaghiganti ang masaklap na kinahinatnan nito sa unang paghaharap nito sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Humakot ng 29 points, binitbit ni Mendoza ang koponan upang maibalik ang masamang kahapon kontra Chiefs at bakuran ang ikaanim na pwesto na may 6-11 kartada sa pamamagitan ng pagtakas ng basket ni Mendoza kay Giorgio Ciriacruz sa huling 24.7 segundo, winakasan ng EAC ang pagnanais ng Arellano.

 “If we are still in contention for the Final Four, Argel (Mendoza) is a shoo-in as a MVP candidate. He played a MVP-like performance game today,” pahayag ni EAC coach Nomar Isla.

 Gayunpaman, dahil sa pinamalas na performance sa nasabing season, nais ni Isla na muli silang makalahok sa susunod na taon.

 “We pray that we can extend another year in competing in the NCAA. We complied our requirements in our participation, not only in basketball but in other sports, I’m just keeping our fingers crossed on what will happen next,” aniya.

Kumonekta si Jay Santos ng 16 points at 5 rebounds habang nag-ambag rin ng 13 points si Francis Chiong para itaguyod ang layunin ng Generals.

Nangibabaw rin ang mahusay na pagganap ni Ciriacruz na naglista ng 28 points, 10 boards, 4 assists at 2 steals, para lalong palutangin ang pangalan nito sa Mythical Five.

 Habang kumana rin ng 13 points, 5 caroms at 2 steals si Adrian Celada, subalit bigong basagin ang pagragasa ng kalaban.

Dahil dito, nakaporma ang Arellano U sa ikalimang pwesto at ikinunsiderang pinakamalakas sa lahat ng guest team na sumali na mayroong 8-10 marka.

Sa ikalawang seniors game, nagpakawala ng 16 puntos si Aaron Santos upang gulantangin ng Angeles U Foundation ang Perpetual Help, 73-66.

Sa kabilang banda, nagtrangko si Joseph Eriobu ng 23 points katulong si Justine Alano na nagbigay rin ng 19 points produksyon at 11 caroms para pataubin ang Angeles U Foundation, 115-33, habang pinataob ng Arellano ang EAC sa 70-59 sa juniors. (Sarie Nerine Francisco)

Aguinaldo 86 – Mendoza 29, Santos 16, Chiong 13, Yaya L. 7, Yaya R. 7, Cubo 5, Jabaybay 5, Diolanto 4, Del Rosario 0, Liwag 0.

Arellano 81 – Ciriacruz G. 28, Celada 13, Rivera 10, Apostol 9, Miranda 9, Ciriacruz I. 8, Agustin 2, Virtudazo 2, Anquilo 0, Catapang 0, Reducto 0, Tayongtong 0.

Quarterscores: 16-17; 38-37; 61-61; 86-81.

Angeles 73 – Santos 16, Fuertez 14, Carney 13, Manarang 13, Gigante 6, Nacu 5, Dumlao 2, Henson 2, Musni 2, Cayanan 0, Maniago 0, Perez 0, Sazon 0.

Perpetual Help 66 – Carrullo 19, Elopre 19, Roño 8, Ynion 4, Sicat 4, Liaz 3, Salvado 3, Hainga 2, Salanga 2, Vivero 2, Galabin 0.

Quarterscores: 17-24; 30-34; 45-50; 73-66.

AARON SANTOS

ADRIAN CELADA

ANGELES U FOUNDATION

ARELLANO

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

ARGEL MENDOZA

CIRIACRUZ G

MENDOZA

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with