Powerade-RP, Smart Gilas magpapasiklaban

MANILA, Philippines - Isang kapana-panabik at mainit na aksiyon ang inaasahan sa pagtatagpo ng Smart Gilas at Powerade Team Pilipinas sa tampok na laro ng charity event sa Araneta Coliseum mamayang gabi.

Nagkainitan sina CJ Giles ng Smart Gilas at Ranidel de Ocampo ng Talk N Text sa tuneup game na hindi natapos at inaasahan ang mainit na paghaharap uli ng dalawa sa pagtitipan ng RP Developmental pool at Powerade bandang alas-7:15 ng gabi sa palarong inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mabebenipisyuhan ang mga biktima ng bagyong Ondoy.

Sa inisyal na bakbakan, maghaharap naman ang mga pinili mula sa UAAP at NCAA laban sa selection din ng Liga Pilipinas at PBL sa alas-5 ng hapon. (NBeltran)

Show comments