Top 32 sa WPA nakasiguro na sa World Ten Ball Championship
MANILA, Philippines - Ang napiling top 32 players ng World Pool Billiard Association (WPA) ay siyang magsisilbing unang batch na pagkakalooban ng siguradong pwesto sa main draw ng second World Ten Ball Championship (WTBC) na aaksiyon sa World Trade Center sa Pasay City, Metro Manila sa Nobyembre 25-30.
Kaalinsabay ng pagpapakilala ng mga tampok na manlalaro at pinahayag na rin ni WPA president Ian Anderson ang panibagong sistemang ipapatupad sa nasabing kompetisyon.
Ang Top 32 ay pinangungunahan ng kasalukuyang world No. 1 Darren Appleton ng Great Britain, na sinusundan nina Ralf Souquet ng Germany (2), Mika Immonen ng Finland (3), Niels Feijen ng Netherlands (4), at Shane van Boening ng United States (5), habang ang lima pang iba ay mga Pinoy.
Bumabandera para sa Pilipinas ang highest rated Filipino player na nakaluklok sa ikawalong pwesto, habang hindi rin nalalayo si Demosthenes Pulpul na tinaguriang world’s No. 9.
Kabilang rin sa Top 32 sina former Asian snooker champion Marlon Manalo (21), reigning Asian Games gold medalist Antonio Gabica (22), at Overseas Filipino Worker Allan Cuartero (31).
Ang naging distribusyon ng 32 players kada kontinente ay 15 Europeans, 13 Asians, at apat na North Americans.
Ang iba pang manlalarong nakakuha ng awtomatikong silya sa WTBC ay sina Radoslaw Babica ng Poland (11), Corey Deuel ng USA (12), Ko Pin-Yi ng Chinese Taipei (13), Ricky Yang ng Indonesia (14), Charlie Williams ng USA (15), Lu Hui Chan ng Chinese Taipei (16), Fu Che Wei ng Chinese Taipei (17), Satoshi Kawabata ng Japan (18), Liu Haitao ng China (19), Chris Melling ng Great Britain (20), Dimitri Jungo ng Switzerland (22), Bruno Muratore ng Italy (24), Yang Ching-Shun ng Chinese Taipei (25), Wang Hung-Hsiang ng Chinese Taipei (26), Mark Gray ng Great Britain (27), Ruslan Chinakhov ng Russia (28), Tyler Edey ng Canada (29), Imran Majid ng Great Britain (30), at Nic van den Berg ng Netherlands (32). (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending