^

PSN Palaro

Roach pinahanga ni Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Araw araw patuloy na nagpapa impress si Manny Pacquiao sa kanyang chief trainer na si Freddie Roach sa kanilang paghahanda para sa pinakamalaking showdown kontra kay WBO welterweight champion Miguel Cotto n g Puer­to Rico.

“Freddie Roach is not only pleased. He’s amazed at how the camp is going,” wika ng Canadian adviser ni Paquiao na si Michael Koncz kahapon matapos ang impresibong work out sa Shape Up Gym sa Baguio. Ilang tao rin ang pinapapasok sagm ngunit  may limitasyon. Dahil sa pagdagsa ng mga fans at media, isinara ng Team Pacquiao ang gym noong isang araw ngunit kahapon ay pinagbigyan muli ang ilan.

“It was a small crowd and it was a very nice crowd.

Training went very well,”ani Koncz, at idinagdag na halos hindi makapaniwala si Roach sa nakikitang galaw si Pacquiao na tila isang buwan na itong nagsasanay sa gym.

Hindi masabi ni Koncz kung tatagal ang pagsasanay nila sa Baguio ng apat na linggo o higit pa. Kung aabutin ito ng limang linggo, malamang na hindi na magsanay si Pacquiao sa Los Angeles at dederetso na Las Vegas.

“We’re taking it one week at a time. No decision yet,” ani Koncz, na tinalakay ang posibilidad na magsanay ng limang linggo.

“If all goes well, then we’re staying in Baguio and skip Los Angeles totally. Besides we’re gonna lose a couple of days if we leave Baguio after four weeks, train three weeks in LA and do another week in Las Vegas,” aniya.

Matapos ang buong isang linggong training, magpapahinga si Pacquiao ngayon. Pero malamang na tumakbo din siya depende sa magiging lagay ng panahon pero hindi ito lalayo sa gym.

Nagdesisyon sina Koncz at Pacquiao na huwag nang bumaba sa Maynila para sa burol ng dating business manager na si Rodolfo ‘Mang Rod’ Nazario na yumao kamakailan sanhi ng lung cancer.

“The decision was made the other day. For a number of reasons, he decided not to come to Manila anymore, and focus on his training. We’re sure the Nazario family would understand,” ani Koncz.

Ang masamang lagay din ng panahon ang isa sa pumipigil kay Pacquiao na bumaba ng Maynila dahil mapanganib ang sumakay sa private plane na magdadala sa kanyang habang limang oras naman ay biyahe kung may sasakyan sila.

Samantala, inihayag ng HBO na tumabo ng husto ang laban nina Floyd Mayweather Jr.-Juan Manuel Marquez fight sa MGM Grand noong nakaraang linggo na umabot sa isang mil­yon ang pay per view.

Ang bilang ay lumagpas sa inaasahang PPV sales na 600,000 hanggang 700,000 at ang benta ay umabot ng $53M. Ibig sabihin mainit pa rin si Mayweather.

Ang laban ni Pacquiao kay Oscar dela Hoya noong nakaraang Disyembre ay Hawak pa rin ni Mayweather ang record na PPV sales na 2.44 million sa kanyang split decision na panalo kay dela Hoya noong 2005. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

FLOYD MAYWEATHER JR.-JUAN MANUEL MARQUEZ

FREDDIE ROACH

KONCZ

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANG ROD

MAYNILA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with