^

PSN Palaro

Walong bansa sali sa 2009 FIM Asian Supercross

-

MANILA, Philippines - Walong bansa kabilang ang host Philippines ang lalahok sa 2009 FIM Asian Supercross Championships sa darating na weekend sa SM City Bicutan, Parañaque.

Mahigpit na kalaban ng mga Filipino riders para sa karangalan sa 13 iba’t ibang categories ang mga entries mula sa Australia, Russia, Indonesia, Japan, Thailand at Iran.

Mangunguna sa RP team sa two-day meet sa Sept. 25-26 sa alas-6 hanggang alas-10 ng gabi sina Kenneth San Andres at JC Rellosa.

“Ito na po ang pinaka-malaking karera sa bansa ngayong taon,” ani Macky Carapiet, president ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA), sa PSA Forum kahapon.

Ang karerang sanctioned ng NAMSSA, UAM at FIM, ay magkakaroon ng kompetisyon sa 65cc level para sa 9-12 years old, 85 cc junior riders para sa 12-15 years old, MX 2 Pro, at 10 pang ibang national categories.

Ang Asian Motocross Tour ay bumisita kamakailan lamang sa Puerto Princesa City at Ulaanbaatar sa Mongolia.

Para sa susunod na round, gaganapin ito sa Riyadh, Saudi Arabi at sinabi ni Carapiet sa session na sponsored ng PACGOR, Accel, Shakey’s at Outlast Battery na magkakaroon ng Asian Motocross Academy sa Linggo na pangangasiwaan ng mga foreign instructors sa naturang circuit para sa pag-unlad ng Asian motocross riders. (Mae Balbuena)

ANG ASIAN MOTOCROSS TOUR

ASIAN MOTOCROSS ACADEMY

ASIAN SUPERCROSS CHAMPIONSHIPS

CITY BICUTAN

KENNETH SAN ANDRES

MACKY CARAPIET

MAE BALBUENA

NATIONAL MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION

OUTLAST BATTERY

PUERTO PRINCESA CITY

SAUDI ARABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with