Hatian sa premyo ang pipigil sa Pacquiao-Mayweather fight
MANILA, Philippines - May isang bagay lang na maaaring pumigil na maisakatuparan ang Floyd Mayweather Jr.-Manny Pacquiao fight: at ito ang ang hatian ng premyo.
Ngayon pa lamang ay hinihintay na ang mundo ng boxing ang pinakamalaking labanan na maaaring maganap sa pagitan ng dalawang pound-for-pound champions, na maaaring maging labanan ng dekada.
At maaaring mangyari ito sa susunod na taon ngunit ngayon pa lamang ay mala-king katanungan na kung papaano hahatiin ang premyo sa pagitan ng dalawang kampo.
Humihingi si Mayweather ng mas malaking bahagi kung ang negosasyon sa laban kay Pacquiao ay magsimula na. Ngunit para kay Top Rank chief Bob Arum mas dapat pabor kay Pacquiao.
Sa opinyon ni Arum, na kamakailan lamang ang sinabing ‘delusional’ si Mayweather, na mas karapat-dapat na tumanggap ng mas malaki si Pacquiao.
Ngunit nagparamdam naman ang adiviser ni Mayweather na si Frank Ellerbe na hindi rin sila papayag sa 50-50 split.
“It seems like there’s a lot of things working against this fight ever happening,” pahayag ni Freddie Roach kay Lance Pugmire ng Los Angeles Times.
“It makes sense. It’d be a great fight, but it seems there’s a lot of distractions around it. I don’t think it’s going to happen,” ani Roach.
Kung hindi man gaano ang naging bentahan sa Mayweather-Marquez fight, tinitingnan naman nina Richard Schaefer ng Golden Boy at Team Mayweather ang milyung bibili ng pay-per-view, na maaaring lagpasan ang Pacquiao-Ricky Hatton na lagpas sa 900,000 ang bumili.
“Floyd will have all the leverage if that’s the number. Love him or hate him, he’s the biggest name in the sport, and the biggest revenue stream doesn’t come from the Philippines. The U.S. is the capital of boxing, and Floyd Mayweather is the president of the capital,” pahayag ni Schaefer sa LA Times.
- Latest
- Trending