Mayweather-Pacquiao isusunod na?
MANILA, Philippines - Matapos talunin ni Floyd Mayweather Jr. si Juan Manuel Marquez, malaki ang posibilidad na muling mabuksan ang negosasyon para magkaharap si Mayweather at si Manny Pacquiao na nagpunta pa ng Las Vegas para panoorin ang laban.
"I agree that there is a public demand for it that you don't see often in our sport, this pent-up demand for Pacquiao and Mayweather," pahayag ni Todd duBoef, president ng Top Rank Inc., sa Grand Rapid Press. "I think it's because the names resonate globally, they've been in big fights, they've been in marquee positions.”
Hindi nagkasundo sa hati ng kitaan ang magkabilang panig kaya hindi natuloy ang paghaharap nina Pacquiao at Mayweather. At ngayon may isyu tungkol sa pag-aakusa ng tatay ni Floyd na si Floyd Mayweather Sr. sa paggamit ng steroids ni Pacquiao kaya mas magiging interesante ang kanilang laban.
"So I think it does have a totally different appeal that is just what fight fans want. I think if both guys win, we sit down and talk. If rational behavior prevails, which it has a tough time doing in our sport ... then the public will get it."
Agad uuwi si Pacquiao pagkatapos ng laban at didiretso sa Baguio City kung saan nito gagawin ang unang bahagi ng kanyang eight-week training na kanyang tatapusin sa Wild Card gym ng kanyang trainer na si Freddie Roach sa Los Angeles.
Anumang araw sa susu-nod na linggo ay susunod si Roach kay Pacquiao sa Baguio kasama ang kanyang mga sparring mates.
Walang basta-basta makakaistorbo kay Pacquiao dahil papalibutan ng security ang gym at walang makakalapit kay Pacquiao ng walang permiso ang kanyang kaibigan na si deputy national security adviser Luis ‘Chavit’ Singson na siyang nangasiwa ng kanyang seguridad.
Samantala, sinabi ng Top Rank Promoter na si Bob Arum na halos ubos na ang ticket para sa Pacquiao-Cotto fight.
Sa 15,887 ticket na puwedeng ibenta, maliban sa 642 mamahaling ticket at 80 na medyo may kamahalan, naibenta na lahat ng tickets.
Halos 60- tickets ang nabebenta araw-araw kaya mauubos na lahat ito bago matapos ang buwang ito, mahigit isang buwan pa bago ang araw ng laban.
“In ten days there won’t be a ticket left and then everybody will go crazy,” any Arum sa boxingscene.com.
Ang 682 mamahaling tickets ay nagkakahalaga ng $1,000 at ang 80 tickets ay $750.
“There is nothing at $500, nothing at $300 and nothing at $150. Nothing,” ani Arum.
Umabot na sa $8.2 million ang kita sa ticket at may inaasahan pang benta na $700,000. Ayon kay Arum na sa October 10 magbubukas sa pagbebenta ng 15,000 closed circuit seats na nagkakahalaga ng $50. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending